Selebrasyon at nakawan sa Disyembre uno

Sakay ng bus biyaheng Monumento / UE Letre, bumaba kami ng kaibigan kong si Kim sa MCU. Konti pa lang ang aming hakbang buhat sa pagkakababa ay…

“Magnanakaw!” Ang sigaw ng lalaking nakita ang panghahablot ng batang lalaki ng hikaw ng isang babae. Ayun kumaripas na ng takbo ang bata dala ang na-snatch.

Nauna pang mag-react ang lalaki. Sinalat muna ng babae ang kanyang tenga bago tuluyang napagtantong nabawasan siya ng alahas. Walang nagmagandang loob upang habulin ang batang lansangan. WALANG POLICE VISIBILITY SA MISMONG LUGAR.

TINATAWAGAN ANG MGA KAPULISAN DYAN SA CALOOCAN. Nasaan kayo ng maganap ito?

First time ko nung araw na yun magdala ng cellphone na may video-capture feature. Ngunit mabilis ang pangyayari kaya hindi ko nagawang kuhanan ng video. Baka ako naman ang mabiktima kung maglalabas ako ng cellphone. Nagmamadali pa kaming pumunta ni Kim sa isang salu-salo.

sina Astrid at Kim

Narito ang kaganapan sa house party na aking dinaluhan.

Related post:
Ayos_Kim, at your service!
A photo/video company needs Graphic Artists