Selebrasyon at nakawan sa Disyembre uno

Sakay ng bus biyaheng Monumento / UE Letre, bumaba kami ng kaibigan kong si Kim sa MCU. Konti pa lang ang aming hakbang buhat sa pagkakababa ay…

“Magnanakaw!” Ang sigaw ng lalaking nakita ang panghahablot ng batang lalaki ng hikaw ng isang babae. Ayun kumaripas na ng takbo ang bata dala ang na-snatch.

Nauna pang mag-react ang lalaki. Sinalat muna ng babae ang kanyang tenga bago tuluyang napagtantong nabawasan siya ng alahas. Walang nagmagandang loob upang habulin ang batang lansangan. WALANG POLICE VISIBILITY SA MISMONG LUGAR.

TINATAWAGAN ANG MGA KAPULISAN DYAN SA CALOOCAN. Nasaan kayo ng maganap ito?

First time ko nung araw na yun magdala ng cellphone na may video-capture feature. Ngunit mabilis ang pangyayari kaya hindi ko nagawang kuhanan ng video. Baka ako naman ang mabiktima kung maglalabas ako ng cellphone. Nagmamadali pa kaming pumunta ni Kim sa isang salu-salo.

sina Astrid at Kim

Narito ang kaganapan sa house party na aking dinaluhan.

Related post:
Ayos_Kim, at your service!
A photo/video company needs Graphic Artists

Advertisements

4 Comments

  1. nakikiusyoso lang, hehe 😀 grabe, ilang beses na rin akong naka witness ng ganyan. yung mga na isnatchan ang bagal ng reaction kasi shock nga e tapos halos minsan lang may nagtangkang humabol pero sempre, sa dami ng tao at ng pasikot sikot — wala rin 😦 kakalungkot na isang batang paslit pa ang gumawa nyan…

  2. hi kengkay! ang seksi naman sa avatar hehehe. oo nga e wala ng ibang mapagkakitaan kaya mandudukot na lang. san ka madalas maka-witness nyan? ako mga tatlong beses pa lang yata nakakita. na-confirm ko sa radyo na madalas pala talga dyan sa monumento ang nakawan kasi wlang pulis tsk tsk tsk

  3. kahit saan sa EDSA may ganyan ano – mahahalata tuloy na lakwatsera si ako, ahahaha. sa may magallanes edsa, sa may crossing edsa, sa may monumento, sa halos lahat ng palengkeng dinaanan ko… kaya ako hindi mahilig maglakad ng may alahas e. sa bahay lang ako nag-aalahas, yung tsinelas kong may palamuting basag na bote, ahahaha

  4. sayang naman ang alahas mo kung hndi mo ididisplay sa public hehehe


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s